Mga Tanong - Enero  12, 2008

(Para sa 11-3, 11-6, 11-5) sagutin ang mga tanong 1-4. Sa 11-1  sagutin and mga tanong bilang  5-8. Isulat sa kalahating papel ang mga sagot o ipadala ang mga sagot sa pamamagitan ng email . (10 puntos  bawat bilang) gamitin ang aking email address ([email protected])

1.  Anu-ano ang  mga pangkabuhayan  sa mga Asyano?
2.  Ano ang kaibahan ng susbsistence farming at komersyal farming?
3.  Anu-ano ang mga sanhi sa pagbagsak ng ekonomiya sa mga bansa sa Asya?
4.  Bumuo  ng Pie Grap tungkol sa bahagdan ng mga butil sa mga bansa sa Asya.


Para  sa 11-1
 5. Anu-ano 
 ang mga industriya  sa Israel? Japan? Singapore? Taiwan at South Korea?
6. Anu-ano  ang mga pangunahing produkto ng:  Malaysia, Tsina, Myanmar at Pilipinas?

7. Bakit my mga mahihirap at mayayamng abnsa sa Asya?

Enero  23-24, 2008 
Mga Sugnay

Ang Sugnay na makapag-iisa  na amy simuno at panaguri ay nagpapahayag ng buong diwa.

Hal. Ang pamilyang Asyano, sapgakat nagkaisa, ay sintibay ng walis na tingting. (Pansinin ang mya salungguhit)

Ang sugnay na di makapag-isa  ay mga simuno at panaguri ngunit di-buo ang diwa. Ginagamitan ito ng mag salitang kung, kapag, sapagkat, nang, upang, bagamat, dahil sa, dahilan sa, at mga katulad.

Hal.  Kapag nahihiwalay ang mag-asawa, nagdurusa at lumalaking wakang muwang sa kabutihan ang mga anak, (Pansinin ang may salungguhit na bahagi ng pahayag.

Pangkatang  Gawain:  ENERO  23, 2008
A.  Isulat kung sugnay na makapag-isa of di makapag-isa ang mga sumusunod na pahayag.

1. Tumayong tatay at nanay.
2.  May paggalang sa nakakatandang dugo ang pamilyang Pilipino.
3.  Paktriarkal na pamilya.
4.  Pahalagahan ang pamilyang Pilipino.
5.  Pinakamaliit na  yunit ng pamayanan.
6.  Kapag naghiwalay ang ama at ina.
7.  Ang pamilyang Pilipino ay pamilyang Asyano.
8.  Nang  mangibang-bansa ang ina.
9.  Maitutulad sa walis tingting ang pamilyang Asyano.
10. Kung magkakatulad ang pananampalataya.


Enero  24, 2007

Indibiwal na  Gawain.
Bumuo ng teksto na ginagamitan ng sugnay na makapag-isa at di makapag-isa tungkol sa pagkakatulad ay pagkakaiba ng Mga Relihiyon sa Asya. (isang bond paper)